Home METRO Lalaking laseng nagpakita ng baril sa Cavite, arestado

Lalaking laseng nagpakita ng baril sa Cavite, arestado

1
0

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang 50-anyos na lalaki na umano’y nagwala habang nakainom ng alak at nagpakita ng baril sa pampublikong lugar sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite, na ikinatakot ng mga residente.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Edelson,” isang binata at walang trabaho na residente ng Agdangan, Quezon.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa tapat ng Melba’s Grill House sa GSIS Road. Nagsasagawa ng roving patrol ang mga pulis nang lapitan sila ng isang concerned citizen at ireport ang lalaking hinihinalang lasing at walang pakundangang nagpapakita ng baril sa publiko.

Humingi ng karagdagang puwersa ang dalawang pulis kaya rumesponde ang mga tauhan ng SWAT, intelligence operatives at Patrol Bayanihan. Pagdating sa lugar, nakita nila ang suspek na lasing, nagsisigaw at lantaran umanong nagpapakita ng baril.

Agad siyang inaresto at kinumpiska ang isang Colt .45 caliber pistol na may isang bala sa loob, isang holster, at isang magazine na may lima pang bala.

Nahaharap ang suspek sa reklamong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Isasailalim din sa pagsusuri ng Firearms and Explosives Office (FEO) ang kaugnay na License to Own and Possess Firearms (LTOPF). Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here