Home NATIONWIDE PCG nagtaboy ng barkong Tsino sa Lawak Island

PCG nagtaboy ng barkong Tsino sa Lawak Island

3
0

MANILA, Philippines – Matagumpay na naitaboy ng PCG ang Chinese fishing vessel YUETAIYU 63168 at 4 nitong maliliit na bangka na iligal na nangingisda sa territorial sea ng Lawak Island noong Oktubre 15.

Sakay ng rubber boat, paulit-ulit na ni-radio challenge ng PCG ang barkong Tsino at inikutan ito ng 3 beses, pero hindi ito sumagot. Kaya tinaboy muna ang 4 na maliliit na bangka hanggang sa bumalik ang mga ito sa mother vessel at tuluyang umalis sa lugar.

Ang Lawak Island ay bahagi ng Kalayaan, Palawan. Bawal ang pangingisda ng dayuhan dito ayon sa Philippine Fisheries Code at Maritime Zones Act.

Ayon sa PCG sa pamumuno ni Admiral Ronnie Gil Gavan, patuloy nilang babantayan ang lugar bilang pagtupad sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na ipagtanggol ang West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here