Home METRO 3 burdadong tulak laglag sa P68K ‘bato’, de sabog sa Bulacan buy-bust

3 burdadong tulak laglag sa P68K ‘bato’, de sabog sa Bulacan buy-bust

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang tatlong indibiduwal na umano’y tadtad ng mga tattoo sa katawan nang mahulihan ng P68,000 halaga ng iligal na droga, baril sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong Oktubre 14.

Sa ulat ng SJDM police station, kinilala ang mga suspek sa alyas “Dekdek, alyas “Wayon” at alyas “Ella”.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng istasyon na may koordinasyon sa PDEA nitong gabi sa Parang Road, Paradise 1, Brgy. Tungko-Mangga.

Nabatid na nakabili ang poseur buyer sa mga suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang P500 marked money kaya agad silang inaresto ng mga pulis sa lugar.

Sa protective search, nakumpiskahan pa sila ng karagdagang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang 10 gramo at may halagang nasa P68,000.

Sinasabing isa sa kanila na si alyas “Dekdek” ay nahulihan ng improvise 12-gauge shotgun at bala nito.

Ang mga suspek ay sinabihan ng kanilang constitutional rights na nahaharap sa kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here