Home ENTERTAINMENT Gelli, sumagot na sa isyu vs Dennis!

Gelli, sumagot na sa isyu vs Dennis!

1
0

Manila, Philippines – Gelli de Belen couldn’t help but get emotional as she–finally–addressed the issue with Dennis Trillo.

Tila napilitan nang magsalita ang aktres para ipagtanggol ang sarili laban sa kanyang mga bashers.

Kaugnay nga ito sa naging pahayag ni Gelli sa kanyang Chika Cart guesting–where she was accused of taking sides.

Giit ng aktres, wala siyang kinakampihan.

Higit daw lalo ang pagkakaroon ng masamang intensyon sa kanyang mga sinabi.

All that she actually pointed out ay maprotektahan ang mga walang kamalay-malay na batang maaaring maapektuhan ng isyu.

Nagkataon lang din daw that Gelli was asked to comment on the Patrick Garcia interview–na sinagot lang niya.

Aniya: “‘Yung video was actually what you saw. Siyempre, ‘yung reaction ng tao talagang galit.

Natural, may mga batang involved.

“Ang point ko was paano mase-save ang mga bata sa ganitong pangyayari, sa parehong pamilya. Anybody in general.

“Hindi naman ako kasali sa issue. Nagkataon lang na may pino-promote ako.

“Wala po akong kinakampihan. Wala namang masama if concerned tayo sa magiging effect nito sa mga bata.”

Siguro naman, point well taken…move on na, ‘no! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here