Home ENTERTAINMENT Paolo, nagsalita na sa preggy issue ni Kim!

Paolo, nagsalita na sa preggy issue ni Kim!

2
0

Manila, Philippines – Buntis nga bang talaga si Kim Chiu?

The next best person to ask will always be the guy rumored to have gotten the TV host-actress preggy, kung totoo mang nagdadalantao ito.

Sino pa ba kundi si Paulo Avelino?!

Aber, ano naman ang sagot ng aktor?

Bukod sa “neither yes nor no” na tugon ni Paulo’y nagpakawala siya ng mas nakakaintrigang sagot.

Aniya: “Speculations are speculations until proven, so tingnan na lang natin!”

Eto ang gustong ipa-realize ni Paulo sa publiko–sinadya daw ng aktor na huwag magbigay ng malinaw na sagot sa isyu.

At sa halip ay antayin natin kung ano ang nakatakdang mangyari–in short, huwag daw itong pangunahan.

Nilinaw din ni Paulo na narito lang si Kim sa bansa, contrary to reports na nangibang-bansa ito sa kung anong dahilan.

Naging abala daw ito sa opening ng kanyang bagong pop-up store ng mga panindang Little Bunny bags.

Abala din daw ito sa ibang bagay na hindi muna maaaring isapubliko.

One thing’s for sure, out daw muna si Kim bilang bahagi ng Pinoy Big Brother 3.0. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here