Home ENTERTAINMENT Boy, inuurutang magdemanda si Kris!

Boy, inuurutang magdemanda si Kris!

2
0

Manila, Philippines – Galit din si Boy Abunda sa pangungutya kay Josh Aquino sa isang viral clip mula sa isang podcast.

Sinabihan kasing “walang kuwenta” ang panganay ni Kris Aquino, at ikinumpara sa kapatid na si Bimby.

Sa simula ng kanyang Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraan, hindi itinago ni Boy ang kanyang saloobin: “Nakakagalit!”

Hindi daw maimadyin ng host na sa hitsura ng mga podcasters who seem educated and intelligent could be cruel: “You’re talking about a special boy!”

Well-loved daw si Josh ng kanyang buong pamilya.

Hindi din daw totoong walang silbi ito: “Alam n’yo po ba kung ano’ng trabaho niya? Sa simula ng bawat araw, Josh would gather everyone in the house and lead the prayer.

“Mali ang ginawa n’yo. Labag sa batas ng Diyos at batas ng tao ang inyong ginawa. Napakasakit.”

Hindi lang daw napakasakit ‘yon sa pamilya ni Josh kundi sa lahat ng mga pamilya ng mga batang may kapansanan o disability.

Kaya naman ang maipapayo niya sa kaibigang Kris: “I would tell her, ‘Go to court. Idemanda mo! Dahil labag ito sa batas!”

Fyi, ang mga PWDs ay protektado ng Republic Act 9442 o Magna Carta for Disabled Person.

Ipinagbabawal ng batas ang kahit na anong verbal, non-verbal o written acts of mockery, laughter or contempt laban sa mga may kapansanan.

May karampatang parusa ang sinumang lumabag dito.

Saad ni Boy: “Machong Chismisan, congratulations! You got the attention of everybody!”

Buti nga! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here