CAMP OLIVAS, PAMPANGA, Philippines – Limang (5) drug suspek ang arestado habang tinatayang nasa halos P1.2 Milyon halaga ng suspected shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang serye ng buybust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Gitnang Luzon.
Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nadakip ang dalawang drug suspek at masamsam ang nasa higit 60 grams ng suspected shabu na may standard drug price ng higit P420,000 sa buybust operation operation ng pulisya sa Barangay Sta.Rita, Olongapo City.
Habang naaresto naman ang dalawa pang drug suspek at makumpiskahan ang mga ito 51 grams ng suspected shabu na may standard drug price ng higit P346,000 sa Buybust operation ng pulisya at PDEA sa Barangay Tapulao, Orani, Bataan.
Nadakip naman ang isa pang drug personality na nakumpiskahan ng 62 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na higit P421,000 at isang kalibre.45 na baril at mga bala sa buybust operation ng pulisya sa Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Law, at illegal Possession of Firearms and Ammunition sa isang drug suspek na nahulian ng baril. (ROEL TARAYAO)