MANILA, Philippines – Nauwi sa pagkamatay ng dalawang magsasaka ang alitan sa lupa nang tangka nilang ayusin ang gusot sa pamamagitan ng tradisyunal na ritwal sa Alabel, Sarangani.
Sa report, sinubukang ayusin ng dalawang magsasaka ang gusot sa lebel ng barangay.
Nang hindi naayos ang isyu ay sinubukan ng dalawang magsasaka ang “sulif” o trial by ordeal.
Ang ritwal ay isang contest kung saan ang sinumang mananatili sa ilalim ng tubig nang pinakamatagal ang mananalo.
Nasa ilalim ng tubig ang dalawang magsasaka sa loob ng 12 minuto.
Agad na dinala sa ospital ang dalawang magsasaka ngunit idineklarang patay. RNT/JGC