Home NATIONWIDE Huling biktima ng school shooting sa SoCot nailibing na

Huling biktima ng school shooting sa SoCot nailibing na

1
0

MANILA, Philippines – Nailibing na ang huling estudyante sa tatlong nasawi sa pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong nakaraang buwan.

Si Angelito Perra, 14, ay binaril sa likod sa kasagsagan ng pag-atake ng kapwa estudyante.

Inilibing si Perra sa Banga Public Cemetery nitong Sabado, Oktubre 17, matapos ang misa.

Nilahukan ito ng daan-daang mga nakiramay kabilang ang mga kamag-anak, kaibigan, kaklase, guro at mga opisyal ng Department of Education at lokal na pamahalaan.

Nanawagan naman ang pamilya ng biktima na mapanagot ang dapat mapanagot sa insidente at nanawagan ng agarang hustisya para kay Angelito at sa isa pang biktima na si Chaldean.

Samantala, makalipas ang isang buwang suspensyon ng face-to-face classes ay magbabalik na ulit ang pasok sa mga paaralan bukas, Oktubre 19.

Nag-isyu si Mayor Albert Palencia ng memorandum noong Huwebes sa pagbabalik ng in-person classes kasunod ng paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan para sa kaligtasan ng mga bata at tauhan ng paaralan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here