Home NATIONWIDE House Prosec umaasa sa hatol kay VP Sara pagsapit ng Nobyembre, Disyembre

House Prosec umaasa sa hatol kay VP Sara pagsapit ng Nobyembre, Disyembre

1
0

MANILA, Philippines – Umaasa si House prosecution panel member at Manila Rep. Joel Chua na magkakaroon na ng hatol ang Senate impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng katapusan ng Nobyembre o Disyembre.

Ani Chua, pinaikli na ng prosekusyon ang kaso dahil inaasahan umano nilang pahahabain ng depensa ang presentasyon nito ng mga ebidensya hanggang sa susunod na taon.

“Inaasahan po namin na patatagalin po nila ang article,” sinabi ni Chua.

Nagbabala siya na ang mahabang paglilitis ay maaaring magpahina sa atensyon ng publiko sa mga ebidensya na naipresenta na.

Ani Chua, maaaring tukuyin ng depensa kung paano nito ipipresenta ang kaso na ayon pa rin sa kontrol ng korte.

“Kung sa tingin namin ang ginagawa na lamang ay i-delay, sa tingin ko naman bibigyan tayo ng pagkakataon ng impeachment court na mapakinggan din ang ating dahilan,” sinabi pa ni Chua.

Nakatakdang simulan ang defense presentation sa Article II sa Nobyembre 9.

“Sana po by end of November or at least at the latest, first week of December, sana po makapag-decision na po,” ani Chua. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here