Home NATIONWIDE Tax credits sa mga negosyong nagbibigay ng senior, PWD discounts isinusulong

Tax credits sa mga negosyong nagbibigay ng senior, PWD discounts isinusulong

1
0
Bilang principal sponsor at author ng AFASA, ikinatuwa ni Senador Mark Villar ang tagumpay ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) matapos maitala ang mga pag-aresto at hatol laban sa mga online scammers at money mules. Binigyang-diin niya na may "pangil" na ang batas upang mas mabilis na mausig ang mga cybercriminal at masiguro ang proteksyon ng bawat Pilipino sa kanilang online transactions.

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador Mark Villar ang hakbang na nagbibigay ng tax credits sa mga establisyimento na nagbibigay ng mandatory discounts sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Ito ay sa ilalim ng Senate Bill No. 2494, o proposed “Tax Credit for Senior Citizens and Persons with Disability Discount Act,” kung saan layon ni Villar na amyendahan ang Republic Act No. 9994, o Expanded Senior Citizens Act of 2010, at Republic Act No. 7277, o Magna Carta for Persons with Disability.

Sa ilalim ng umiiral na sistema, hindi mababawi ng mga negosyo ang buong halaga ng mandatory discounts sa pamamagitan ng tax deductions, at naglalagay ng dagdag na financial pressure sa mga establisyimento partikular ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

“Ang pagbibigay ng diskwento sa ating mga senior citizen at persons with disabilities ay mahalagang bahagi ng ating social protection programs. Ngunit hindi dapat iasa lamang sa mga negosyo ang buong bigat ng pagpapatupad ng mga benepisyong ito. Kailangan nating magkaroon ng mas patas na sistema na nangangalaga sa ating mga benepisyaryo habang tinutulungan din ang ating mga negosyo, lalo na ang mga MSME, na manatiling matatag at makapagpatuloy sa kanilang operasyon,” sinabi ni Villar.

Ipinapanukala rito na ituring ang mandatory discounts sa mga senior citizen at PWDs sa qualified goods at services bilang tax credits sa halip na tax deductions, at nagbibigay-daan sa mga establisyimento na i-apply ang halaga ng mga discount sa kanilang national internal revenue tax liabilities.

Ang tax credits mula sa mga senior citizen discount ay maaaring madala sa mga susunod na taxable years ngunit hindi refundable o transferable.

Layon din ng hakbang na panatilihin ang tax deduction bilang mekanismo para sa minimum five percent discount sa qualified monthly water at electricity consumption sa mga senior citizen.

Iginiit ni Villar na layon ng panukala ang balanseng proteksyon sa mga senior citizen at PWD kasabay ng pagpapanatili ng maayos na business environment.

“Ang layunin natin ay matiyak na patuloy na matatanggap ng ating mga senior citizen at PWDs ang mga benepisyong nararapat sa kanila, habang binibigyan din natin ng mas patas na sistema ang mga negosyong nagpapatupad ng mga diskwentong ito. Sa ganitong paraan, napangangalagaan natin ang kapakanan ng ating mga kababayan at napapatibay ang ating mga negosyo bilang katuwang sa pag-unlad ng bansa,” pagtatapos ni Villar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here