MANILA, Philippines – Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Sabado, Oktubre 17 na ang hindi maayos na pagkakaimbak ng chlorine at asphalt cargo ang nag-ambag sa sunog sa MV June Aster sa Coron, Palawan, noong Setyembre.
Ayon sa BFP, ang barko ay may dalang mga container ng chlorine na hindi nakaselyo nang maayo dahilan para dumikit ito sa asphalt cargo.
Ang ugnayan sa dalawang substance ang maaaring nagpasimula ng sunog.
Nakita rin ng BFP ang faulty ventilation system ng barko na naglalabas ng mainit na hangin.
Maaaring mapanagot ang kapitan, crew at pamunuan ng shipping line, at ang third-party stevedore sa pag-ayos ng cargo.
Posible ring mapanagot ang Port of Baseco kung saan nanggaling ang barko, dahil sa pagpayag na maglayag ito sa kabila ng mga isyu. RNT/JGC