MANILA, Philippines – Halimbawa ng “wolf warrior diplomacy” ang kontrobersyal na pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.
“Dito sa wolf warrior diplomacy, talagang ginagamit mo ang lahat para takutin and, to a certain degree, bastusin mo yung host government, na nakikita natin ngayon, ‘no? So, in a way, talagang ginagawa niya yung trabaho niya,” sinabi ni defense analyst Renato Castro sa panayam ng GMA News.
“Hindi naman sasabihin niya na isang diplomat, kung wala po talagang ibig sabihin po ‘yan. Kung baga, talagang veiled threat na ho sa atin ‘yan. Let’s expect the worst. Kasi talagang gigil na gigil na sa atin ang mga Tsino ho, dahil ho talaga, hindi tayo nagpapatinag sa kanila,” dagdag ni Castro.
Posibleng lalo pang tumindi ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea. RNT/JGC