MANILA, Philippines – Ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang mga rainwater catchment drums sa 37 piling paaralan sa probinsya bilang paraan ng paghahanda sa epekto ng El Nino.
Sa pahayag nitong Sabado, Oktubre 17, sinabi ni Gov. Cecilia Araneta-Marcos na pinangunahan niya ang distribusyon ng catchment drums sa Ilocos Norte Centennial Arena noong Miyerkules.
Iginiit niya ang pangangailangan para sa mga paaralan at komunidad na gumawa ng hakbang para matugunan ang water shortage.
Sa pamamagitan ng mga drum ay makakakolekta ang mga paaralan at makakapag-imbak ng tubig-ulan para sa mga paggagamitan nito.
Malugod namang tinanggap ng mga opisyal ng paaralan ang inisyatibo. RNT/JGC