Home NATIONWIDE P6.2M ismagel na sigarilyo naharang sa Sulu

P6.2M ismagel na sigarilyo naharang sa Sulu

2
0

MANILA, Philippines – Narekober ng pulisya ang nasa 109 master cases ng hinihinalang kontrabandong mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P6.2 milyon sa magkahiwalay na operasyon sa coastal areas sa Sulu.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Shellamie Chang, spokesperson para sa Police Regional Office (PRO) 9, ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa Sulu Police Provincial Office (SPPO) at Maimbung Municipal Police Station.

Ang unang pagkakarekober ay iniulat bandang 4:45 ng umaga sa dalampasigan ng Barangay Silangkan, Parang.

Narekober ng mga tauhan ng Provincial Headquarters and Provincial Intelligence Unit ng SPPO ang 99 master cases ng abandonadong sigarilyo na may market value na P5,672,700.

Sa kaparehong araw ay narekober naman ng Maimbung police at mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 9-B ang 10 master cases ng Astro cigarettes sa baybayin ng Barangay Bualo Lipid sa Maimbung.

Walang naaresto sa operasyon dahil nakatakas ang mga nasa likod nito bago pa dumating ang mga awtoridad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here