Home NATIONWIDE 4 istranded sa isla sa Bislig City nasagip

4 istranded sa isla sa Bislig City nasagip

1
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang apat na indibidwal na istranded sa isla sa Bislig City kasunod ng malalakas na alon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado, Oktubre 17.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station Bislig, ang grupo ay binubuo ng boat operator at tatlong pasahero na sakay ng maliit na motorized outrigger (pakura) mula Hagonoy Island patungo sa Barangay Labisma noong Miyerkules ng hapon.

Itinigil ng operator ang biyahe at naghanap na lamang ng madadaungan sa Hagonoy Island.

Kalaunan ay mas sumama pa ang lagay ng dagat kaya napilitan ang mga istranded na magpalipas ng gabi sa isla.

Dahil dito ay pormal nang naiulat ang insidente sa lokal na Coast Guard.

Inatasan naman ni Ensign Billy Joe R. Pino, acting commander ng Coast Guard Station Surigao del Sur, ang response team na pinangungunahan ni Petty Officer 3 Theodie L. Espiritu para maglunsad ng operasyon sakay ng rigid-hull inflatable boat.

Naabot ng mga rescuer ang isla at dinala sa PICOP Pier 2 sa Bislig City.

Wala namang sugatan sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here