Home METRO Lola pinagbantaan sa ‘di nababayarang utang

Lola pinagbantaan sa ‘di nababayarang utang

1
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang 27-anyos na construction worker nang tutukan ng baril at pagbantaang papatayin ang 60-anyos na lola na hindi nakabayad ng pagkakautang sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sumailalim na ang suspek na si alyas “Alex” sa inquest proceedings kaugnay sa kasong Grave Threat at paglabag sa R.A. 10592 o ang Comprehensive Firearms ang Ammunition Regulation Act sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, naglalakad pauwi ang biktimang si alyas “Ester” nang komprontahin siya ng suspek sa tabi ng bakanteng lote sa Balimbing St. Brgy. Balangkas dakong ala-1:10 ng hapon at pilot sinisingil ng ilang linggo ng utang na P3,000.

Nakiusap naman ang biktima subalit, hindi siya pinagbigyan ng suspek na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang bumunot ng baril si alyas Alex at binantaang papatayin ang biktima.

Sa labis na takot ay nagtatakbong palayo ang biktima hanggang sa makahingi ng tulong kina P/SMS Israel Gutierrez at Pat. Joshua Capiral ng Valenzuela Police Sub-Station 5 na nagpapatrolya sa lugar na naging dahilan ng pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska ng mga pulis kay alyas Alex ang paltik na baril na kargado ng isang bala ng kalibre .9mm na nakasukbit sa kanyang baywang na ginamit sa pananakot sa biktima. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here