Manila, Philippines – Natatandaan n’yo pa ba ang komedyanteng si Tonette Macho na kabilang sa sikat na sitcom na Iskul Bukul?
Kinumpirma ng kanyang pamangkin na si Ja Roquel-Areza na pumanaw na ang kanyang tiyuhin.
Si Tonette Macho–o Anrhony Roquel sa totoong buhay–ay 68.
Ang mga labi ng dating cast member ng Iskul Bukul na napapanood noon sa IBC 13 ay nakalagak sa Loyola Memorial Chapels sa Sucat, ParaƱaque City.
Inilarawan ng pamangkin ni Tonette ang tiyuhin bilang isang inspirasyon at sandigan ng maraming tao sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
Bukod dito, Tonette was a “devoted warrior of Christ, a loving son, a wonderful uncle, a best friend to most, a prayer partner to thousands.”
Hindi binanggit ang sanhi ng pagkamatay ni Tonette.
Taong 1978 noong sumikat siya sa nasabing sitcom na tampok ang comic trio na sina Tito, Vic at Joey.
Kung tawagin sila sa sitcom ay Escalera Brothers na mag-aaral sa Wanbol University–kung saan classmate nila si Tonette.
Ilan sa mga pelikula ni Tonette ay Kuwatog, Darna at Ding, Tangga and Chos, Manay Po 2 at Iskul Bukol: 20 Years After.
Tonette started using his real name Anthony Roquel when he became a born-again Christian.
Isa sa mga nalungkot sa kanyang pagpanaw ay ang writer na si Gina Marissa-Tagasa, ina ng yumao na ding si Mely Tagasa who played Miss Tapia in Iskul Bukol.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Anthony Roquel. Ronnie Carrasco III