MANILA, Philippines – Umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) Palawan at kanlurang bahagi ng Mindanao habang easterlies naman sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ngayong Linggo, Oktubre 18, ang Zamboanga Peninsula, Basilan, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.
Ang Quezon at Camarines Norte ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.
Samantala, ang SOCCSKSARGEN at nalalabing bahagi ng BARMM ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa ITCZ.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng kaparehong panahon dahil sa easterlies. RNT/JGC