Home NATIONWIDE Visayas grid isinailalim sa yellow alert

Visayas grid isinailalim sa yellow alert

1
0

MANILA, Philippines – Isasailalim sa yellow alert ang Visayas grid ngayong Linggo, Oktubre 18 dahil sa manipis na suplay ng kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa abiso, sinabi ng NGCP na ang yellow alert status ay isasailalim mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ang grid ay may available capacity na 2,512 megawatts (MW) habang ang peak demand ay nasa 2,354 MW.

Idineklara ang yellow alert dahil sa unavailability ng malalaking coal plants sa Visayas na Panay Energy Development Corporation Unit 3 at KEPCO SPC Power Corporation Unit 1.

Nag-ambag sa kakulangan ng kuryente ang planong maintenance schedule ng Mindanao-Visayas interconnection Line 2.

Samantala, limang planta ang naka-forced outage ngayong Oktubre, limang planta mula Setyembre, tatlong planta mula Agosto, isang planta mula Hunyo, apat na planta mula Mayo, tatlong planta noong 2025, dalawang planta mula 2024, dalawang planta mula 2023 at isang planta mula 2021.

Mayroon ding 17 planta ang tumatakbo sa derated capacities, sa kabuuang 655.5MW unavailable sa grid.

Ang yellow alert ay iniisyu kapag ang operating margin ay kulang para tugunan ang contingency requirement ng transmission grid. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here