Manila, Philippines – Para sa mga tirador, bitaminang pampagana ang dating ng beauty queen-actress na si Kelley Day.
Kumbaga, sa pabikini pa lang niya ay mapapalingon ka na at matatauhan ang mga ugat mo.
She’s the type of your fantasy girl who will really make your day.
Kahali-halina kasi ang kanyang alindog.
Inspirasyon din ang kuwento ng kanyang buhay na napagtagumpayan ang kanyang pakikipaglaban sa depresyon.
Bilang mental health warrior, hindi rin madali ang sinuong niya sa pagkakaroon ng alopecia at obsessive compulsive behavior dala ng kanyang kundisyon.
Nagkaroon din siya noon ng health issues tulad ng pagtaba na sa huli ay naipagpaban niya dahil sa will power niyang malampasan ang krisis na pinagdaanan.
Fasting, clean living, exercise at pagkakaroon ng positibong attitude ang naging pasaporte niya para makabalik sa kanyang perfect body.
Sa kanyang IG, muling naging usap-usapan ang kanyang nakakakiliting kaseksihan na bitamina para sa mga tirador.
Ito ang ilan sa komento ng kibitzers sa kanyang sexy body.