MANILA, Philippines – Inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang nasa 1.9 milyong pasahero sa paparating na Undas.
Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, ang dagsa ng mga pasahero ay inaasahan sa Oktubre 25.
“We still anticipate around 1.9 million passengers from the week of October 25, next Sunday ‘yan, hanggang sa Araw ng mga Patay. So marami-rami pa rin ‘yan, kaya naman tuloy-tuloy ang ating paghahanda,” ani Salvador sa panayam ng DZBB.
Sinabi pa ng opisyal ng PITX na inaasahan ang pagdami ng mga pasahero kada taon dahil ang mga kompanya ng bus ay nagdaragdag ng biyahe patungong mga probinsya.
Idinagdag din ang pagdagsa ng mga pasahero sa PITX dahil sa accessibility ng LRT-1 PITX Station.
“Lalong lalo na ‘yung nadagdagan ‘yung LRT station mismo dito PITX, mas naging accessible sa kanila pumunta dito,” sinabi ni Salvador. RNT/JGC