Home NATIONWIDE Ginagawang ice cream storage facility sa Batangas, nasunog

Ginagawang ice cream storage facility sa Batangas, nasunog

3
0

MANILA, Philippines – Nasunog ang halos makukumpleto nang apat na palapag na gusali para sa ice cream manufacturer na Degic Foods Corp. sa Barangay Bulihan sa Malvar, Batangas.

Tinatayang aabot sa P111 milyon ang pinsala sa sunog, ayon pa sa Bureau of Fire Protection.

Sumiklab ang sunog bandang alas-4 ng hapon kung saan makapal at maitim na usok ang bumalot sa gusali.

Ayon kay Fire SInsp. Santee Espares Jr., Malvar municipal fire marshal, napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na ang sunog ay nagsimula sa ikalawang palapag ng gusali.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

Ani Espares, ang istruktura ay ginagawa para maging cold storage facility ng mga produkto ng kompanya.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 8:22 ng hapon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here