Home NATIONWIDE Tolentino: Pahayag ng Chinese envoy ‘di angkop sa isang diplomat

Tolentino: Pahayag ng Chinese envoy ‘di angkop sa isang diplomat

2
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Labor Secretary Francis “Tol” Tolentino ang naging pahayag ng kanyang dating kapwa senador at ginawang hakbang ng Pangulo na ipatatawag ang Chinese Ambassador kaugnay sa naging tahasan niyang pahayag tungkol sa West Philippine Sea (WPS).

Bukod dito, kinondena ng kalihim si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan dahil hindi umano ito naaayon na asal bilang isang diplomat.

Ayon pa kay Tolentino, dapat igalang ni Quan ang lugar kung saan siya naroon at igalang ang batas natin sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Tolentino, sumobra na sa pagbibigay ng pahayag ang ambassador dahil may kasama nang pagbabanta at pananakot.

“Meron na ring nabanggit na ‘lalabanan namin kayo, talo na kayo.’ So wala na yan sa isang kustombre ng isang tinatawag na diplomat at kinatawan ng isang bansa,” ani Tolentino.

Dapat din aniyang panatilihin ang maayos na ugnayan ng dalawang bansa bilang kinatawan ng China.

Iminungkahi rin ni Tolentino na pag-aralan ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang naging pahayag ng kanilang ambassador.

Kaugnay nito, sinang-ayunan din ng kalihim na pag-isipan ang posibilidad na ideklarang persona non grata si Quan, kasabay ng panawagang pagnilayan ng diplomat ang kaniyang mga naging pahayag.

Matatandaang dating senador si Tolentino at naging aktibo sa pagsusulong ng mga usapin hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ni Tolentino ay kasabay ng kanyang pagdalo sa Tagaytay Fight Night nitong Linggo, Oktubre 18 kung saan ang kanyang anak na si Tagaytay City Councilor Michael Tolentino ang organizer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here