Home METRO 5 suspek sa droga, nasakote; tobats, baril nasamsam

5 suspek sa droga, nasakote; tobats, baril nasamsam

3
0

CAVITE, Philippines — Limang hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng droga ang inaresto ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Sorrento, Barangay Habay 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Josemar, Jaspher, Jebenzi, John at Darwin. Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-4:30 ng madaling araw ng mga operatiba ng Bacoor City Cavite Drug Enforcement Team ng Bacoor Component City Police Station. Gayunman, tatlo lamang sa limang suspek ang iniulat na naaresto sa operasyon.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang 4.3 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱29,240, buy-bust money, isang coin purse, isang sling bag, at isang improvised na baril na may isang bala ng 5.56 mm na armas.

Batay sa datos ng PNP Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), si alyas Josemar ay may mga naitalang kaso ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, swindling o estafa, at illegal possession and use of false treasury or bank notes.

Samantala, si alyas Jaspher ay may mga naitalang kaso ng paglabag sa RA 9165, RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at Anti-Gambling Law.

Nasa pangangalaga na ng Bacoor Police Station ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang kaukulang proseso at mga kasong maaaring isampa laban sa kanila. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here