Home NATIONWIDE P28B budget ng DENR sa banta ng Super El Niño, sinuri ng...

P28B budget ng DENR sa banta ng Super El Niño, sinuri ng Senado

1
0

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Sen. Risa Hontiveros noong Lunes, Oktubre 19, ang pagtatanong sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung paano makatutulong ang panukalang ₱28.04 bilyong budget nito para sa 2027 sa pagprotekta sa mga komunidad laban sa posibleng “Super El Niño,” na ayon sa mga eksperto ay maaaring maging pinakamalala sa loob ng limang dekada.

Batay sa panukalang badyet, pinakamalaki ang alokasyon para sa Office of the Secretary (OSEC) na ₱20.63 bilyon. Sinusundan ito ng Environmental Management Bureau na may ₱3.10 bilyon, National Mapping and Resource Information Authority na may ₱1.99 bilyon, at Mines and Geosciences Bureau na may ₱1.89 bilyon.

Sa budget briefing ng Finance Subcommittee E, tinalakay ng mga senador ang mga hakbang ng DENR para matiyak ang seguridad sa tubig. Kabilang dito ang panukalang ₱124 milyon para sa mga lokal na water district, muling pagpapagana ng mga deep well, at pagpapadala ng mga water tanker at pasilidad na imbakan ng tubig sa mga lugar na posibleng makaranas ng matagal na tagtuyot.

Sinuri rin ang pondo para sa mga solusyong nakabatay sa kalikasan, pamamahala sa mga river basin, at mga proyektong naglalayong mabawasan ang pagbaha.

Layunin ng pagdinig na matiyak ang kahandaan ng DENR na tugunan ang matinding tagtuyot at iba pang mapanganib na kondisyon ng panahon na may kaugnayan sa climate change. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here