Home METRO Dimasalang bridge northbound lane, bukas na sa mga motorista

Dimasalang bridge northbound lane, bukas na sa mga motorista

2
0

MANILA, Philippines – Binuksan na sa mga motorista ang northbound lane ng Dimasalang Bridge sa Sampaloc, Maynila matapos ang apat na buwang rehabilitasyon sa natitirang bahagi ng tulay.

Layunin ng rehabilitasyon na patatagin ang 56-taong-gulang na tulay upang matiyak ang pangmatagalang kaligtasan at tibay nito para sa mga dumaraan.

Ayon kay Highways Secretary Vince Dizon, sinikap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos agad ang proyekto, alinsunod sa pangakong mabubuksan ito bago ang Undas.

Mahalaga ang Dimasalang Bridge dahil isa ito sa mga pangunahing tulay at daan patungo sa Manila North Cemetery (MNC), na dinarayo ng milyun-milyong tao tuwing Undas upang dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here