Home NATIONWIDE PCG, handa sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal

PCG, handa sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal sa bansa.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nakahanda na ang mga deployment-ready response group ng ahensya, kabilang ang mga medic, swimmer at nurse, upang tumulong sa mga lokal na pamahalaan, lalo na sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo sa Southern Luzon, Bicol at Visayas.

Sa ngayon, wala pa umanong kanseladong biyahe sa mga pantalan. Gayunman, hinikayat ng PCG ang mga biyahero na palaging suriin ang lagay ng panahon bago bumiyahe.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA, pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Rosal (international name: Champi) nitong Martes ng umaga, Oktubre 20, at itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Hilaga at Timog Luzon.

Ayon sa PAGASA, pumasok ang bagyo sa PAR alas-10:40 ng umaga. Huling namataan ito 1,385 kilometro silangan ng Central Luzon, na may lakas ng hanging 185 kilometro kada oras (kph) at pagbugsong umaabot sa 230 kph. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here