Home METRO Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama

Safety officer dedo nang saksakin ng 15 beses ng kanyang kinakasama

1
0

LAGUNA, Philippines – Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Cabuyao City Hospital ang isang 30-anyos na safety officer matapos umanong saksakin nang 15 beses ng kanyang live-in partner madaling-araw kahapon sa Barangay Pulo, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ang biktima sa alyas na Joselito, na nagtamo ng 13 saksak sa dibdib at dalawa sa leeg. Naaresto naman ang suspek na si alyas Catherine, 35, isang HR encoder na tubong Lucena City at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lugar. Nasa kustodiya na siya ng Cabuyao City Police Station.

Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw habang mahimbing na natutulog ang biktima nang bigla umano siyang pagsasaksakin ng kanyang kinakasama.

Ayon sa testigong si Jefred, narinig niya ang biktima na sumigaw ng, “Pagod ako, natutulog na ako sinaksak mo pa ako.” Ayon sa salaysay, nagtatalo umano ang mag-live-in partner sa ikalawang palapag ng bahay bago may marinig na humihingi ng tulong. Nang umakyat si Jefred, nadatnan niya ang biktimang nakahandusay at duguan.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima, ngunit binawian din siya ng buhay habang ginagamot. ELLEN APOSTOL

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here