MANILA, Philippines – Nakumpleto na ng National Printing Office (NPO) ang pag-imprenta ng 120,720 official ballots para sa plebisito sa Naga City, Camarines Sur, nitong Martes ng alas-11 ng umaga, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa Comelec, papalitan ang configuration at settings ng mga printer at magsasagawa ng panibagong pagsusuri matapos ang pag-imprenta ng mga balota para sa Naga City plebiscite.
Samantala, sa Miyerkules sisimulan ang pag-imprenta ng 13,138 official ballots para sa special election sa Batanes. Isasagawa ito matapos makumpleto ang mga proseso para sa produksyon ng mga balota para sa plebisito sa Naga City. Jocelyn Tabangcura-Domenden