Home ENTERTAINMENT Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra!

Sa tanong ng pagli-live in nina Daniel at Kaila: Janice, ‘di kokontra!

1
0

Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Janice De Belen na hindi siya perpektong anak, asawa at magulang.

Dumaan din siya noon sa mga challengees na nakagawa sng mga maling desisyon sa buhay.

Katunayan, hindi naging madali para sa kanya ang itaguyod ang kanyang mga anak kina Aga Muhlach at John Estrada.

Pagdating din sa pagpapalaki ng mga bata, marami rin siyang natutunan bilang magulang.

Ani Janice, masaya siya dahil kahit paano ay malalaki at independent na ang kanyang mga anak.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, nang tumuntong daw si Kaila Estrada sa edad na 30 ay hinayaan na niya itong bumukod.

Pumayag daw siya sa kundisyong bet nitong maging independent at hindi para makipag-live in.

Nang matanong naman ang beteranang aktres tungkol sa current estado ng relasyon ni Kaila sa boyfie nitong si Daniel Padilla, aniya, malaki raw ang tiwala niya sa kanyang anak.

Hindi rin daw niya ugaling makialam sa lovelife ng anak dahil naniniwala siyang intelihente si Kaila at makakapagdesisyon na sa kanyang sarili.

Dagdag pa niya, si Kaila raw ang tipong hindi tatagal sa isang relasyon kapag hindi na masaya.

Keber din daw siya kung mag-live in ang anak niya at si DJ.

Nang maurirat naman kung feeling niya ay endgame na ni Kaila si Daniel, sey niya, ayaw daw niyang magsalita nang tapos lalo pa’t maraming nangyayari sa showbiz na minsan ay hindi inaasahan.

Dumating din daw siya sa puntong hindi na siya naba-bother sa sasabihin ng mga tao.

After all, buhay daw at kaligayahan ng kanyang supling ang nakasasalalay kaya susuportahan na lang niya kung anuman ang ikasisiya nito.

Sa kaso rin ng kanyang mga anak, hindi rin daw siya magtatampo kung sakaling hindi siya imbitahan sa kasal ng mga ito na para sa kanya ay malabo namang mangyari.

Isa lang daw ang sigurado niya sa kanyang mga anak na babae, kapag daw nag-asawa na ang mga ito, nagkaroon ng pamilya o nagle-labor sa panganganak, hindi raw ang kanilang mga mister ang tatawagin ng mga ito kundi siya.

Sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay, tanggap na raw niya na balang araw ay patungo na siya sa retirement at darating ang panahon ay ‘lola roles’ na ang matotoka sa kanya.

Kuntento na rin daw siya sa pagiging single at hindi na siya naghahanap ng magiging katuwang sa buhay.

Hindi naman sa hindi na siya nag-e-entertain ng mga manliligaw pero para sa kanya ay mas bet na lang niya ang simpleng pamumuhay na walang stress.

May panahon pa raw naman siya para sa sarili lalo na’t nakaka-bonding pa rin niya ang mga piling  kaibigan kahit namumuhay na siyang mag-isa. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here