Home HOME BANNER STORY VP Sara: ‘Kumakalat na Laos travel authority, peke, gawa-gawa

VP Sara: ‘Kumakalat na Laos travel authority, peke, gawa-gawa

2
0

MANILA, Philippines — Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “fabricated” ang kumakalat na dokumentong nagsasabing binigyan siya ng travel authority para bumiyahe sa Laos noong Setyembre.

Ayon kay Duterte, bahagi umano ito ng pagtatangkang iugnay siya sa magkakahiwalay na isyu, kabilang ang nasabat na bilyong pisong shipment ng hinihinalang shabu sa Laos.

“What we see instead is desperation, exemplified by a purported travel authority for Laos that appears to have been fabricated to prop up a narrative unsupported by credible evidence,” ani Duterte.

Sinabi rin ng Office of the Executive Secretary na wala itong natanggap na request para sa naturang travel authority at wala rin itong inilabas na clearance para sa sinasabing biyahe ng bise presidente.

Kaugnay ito ng imbestigasyon sa 521 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon na nasabat sa Luang Prabang International Airport sa Laos noong Oktubre 1 at sinasabing patungong Pilipinas.

Nilinaw naman ni Interior Secretary Jonvic Remulla na walang nakikitang koneksiyon ang Duterte family sa nasabat na shipment, bagama’t patuloy ang imbestigasyon sa mga indibidwal na posibleng sangkot dito.

Samantala, kinuwestiyon ng ilang House prosecutors ang naging pahayag ni Duterte. Sinabi ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon na sapat na sana ang direktang pagtanggi sa kumakalat na dokumento, habang sinabi ni House lead prosecutor Gerville Luistro na wala pang pinal na resulta ang mga imbestigasyon ng DILG at Philippine Drug Enforcement Agency.

Wala pang ebidensiyang inilalabas ang mga awtoridad na nag-uugnay kay Duterte sa nasabat na illegal drug shipment sa Laos. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here