Home OPINION NADADAMAY NA OFWs SA SAUDI WAR DUMARAMI

NADADAMAY NA OFWs SA SAUDI WAR DUMARAMI

3
0

HINDI na maganda ang nagaganap sa halos isang milyong Pinoy sa Saudi Arabia bunga ng mabangis na digmaan ng Saudi Arabia, kasama ang South Yemen, laban sa mga Houthi sa North Yemen na tinutulungan naman ng Iran.

Nitong nakaraang linggo, sumabog ang balita na may apat na nasugatan.

Nitong nakaraang araw, umabot na sa pito at tatlo ang kritikal.

Ang magandang balita, dumarami na rin ang umuuwi at gustong umuwi para makaiwas o maligtasan ang bangis ng digmaan.

MGA PIER, AIRPORT, OIL BINOBOMBA

Wala nang ligtas na lugar sa Saudi Arabia.

Ang Yanbu pier na nasa tabi ng Red Sea, binobomba ng mga Houthi.

At kasama sa mga sinisira ang tubo ng langis na kung tawagin ay Eas-West pipeline dahil magmula sa parteng silangan, dadaloy ang langis ng nasabing bansa sa Red Sea upang maiwasan na ang pagbiyahe ng mga oil tanker sa Strait of Hormuz na inaatake ng Iran at US.

Sa Yanbu pier dumadako ang langis na dating 5 milyon bariles lang kada araw ngunit ginawa nang 7 milyong bariles.

Dito naman ikinakarga ng mga oil tanker ang langis palabas ng Bab el-Mandab Strait na kontrolado na ngayon ng mga Houthi at binobomba ang mga ito.

Ang anim na malalaking paliparan, binobomba rin, kasama ang nasa Riyadh.

Lahat din ng mga balon at refinery ay binobomba.

Maging ang mga gusali sa paligid ng mga lahat ng mga pasilidad na ito.

DESALINIZATION PLANTS

Ang matindi pa, nanggagaling sa dagat ang 70% ang inuming tubig sa nasabing bansa.

Binobomba rin ang mga desalinization plant o kumberter ng tubig-dagat para maging inumin, panlaba, panlinis, pandilig sa mga halaman, suplay ng mga hotel at restoran, boiler ng mga pabrika at iba pa.

MAY PINOY KAHIT SAAN

Kahit pang-apat ang mga Pinoy sa pinakamalalaking grupo ng mga dayuhang obrero sa nasabing bansa, matatagpuan sila kahit saan.

Isipin na lang na umaabot sa 24% ng lahat ng overseas Filipino workers ang tinatanggap ng bansang ito.

Nasa pier sila, airport, pasilidad ng langis gaya ng Saudi Aramco, hotel at restoran, bahay-bahay bilang mga kasambahay at driver,, desalinization plant at iba pa.

Ganyan ang kalagayan nila.

Kaya naman, kung saan aabot ang mga bomba, missile, drone at iba pang nakamamatay na armas ng mga Houthi at Iran, may matatagpuang mga Pinoy.

AKSYON, AYUDA NG PAMAHALAAN

Daan-daan na ang mga umuwi mula sa Saudi Arabia at tuloy-tuloy ang pag-uwi ng iba pa, ayon sa Department of Migrant Workers sa ilalim ni Secretary Hans Leo Cacdac.

Aktibo ang DMW, kasama ang Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration, sa pag-alalay sa mga nanatili at umuuwi.

Sa mga umuuwi, naririyan ang sumasalong Department of Labor and Employment at iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang masanay ang mga ito na tumingin o lumikha ng iba pang mga pagkakitaan.

Kasama rin sa programa ang mga pamilya ng mga OFW.

Pero para sa mga nananatili, nakikipagsapalaran doon at ipinupusta ang mga buhay at kinabukasan nila at kanilang mga pamilya na narito sa bansa, nasaan ang mga aksyon at ayuda ng pamahalaan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here