Home NATIONWIDE ICC trial ni Duterte sisimulan Nov. 30; opening statements itinakda

ICC trial ni Duterte sisimulan Nov. 30; opening statements itinakda

4
0

MANILA, Philippines — Magsisimula sa Nobyembre 30, 2026 ang paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng tatlong counts ng crimes against humanity, ayon sa iskedyul ng Trial Chamber III.

Sa pagbubukas ng trial, aalamin muna ng mga hukom kung nauunawaan ni Duterte ang mga kasong isinampa laban sa kanya at tatanungin kung aamin o hindi siya sa mga paratang.

Susundan ito ng opening statements ng ICC prosecution at Common Legal Representatives of the Victims (CLRVs), gayundin ng defense kung nanaisin nitong magbigay ng opening statement.

Binigyan ng anim na oras ang prosecution at tatlong oras ang CLRVs para sa kanilang opening statements, na hahatiin sa apat na hearing sessions kada araw sa The Hague.

Nakatakda namang humarap ang unang prosecution witness matapos matapos ang opening statements.

Mapapanood ng publiko ang proceedings sa ICC website at official social media channels ng korte na may 30 minutong delay.

Nauna nang kinumpirma ng ICC Pre-Trial Chamber noong Abril 23 ang tatlong counts ng crimes against humanity laban kay Duterte at ipinasa ang kaso sa Trial Chamber para sa paglilitis. Ang pagkumpirma ng charges ay hindi hatol ng guilt, at nananatiling ipinapalagay na inosente si Duterte hanggang mapatunayan ang pananagutan sa pamamagitan ng trial. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here