Home LIFESTYLE HEALTH Bilang ng nasawi sa dengue sa Negros region, umabot na sa 36

Bilang ng nasawi sa dengue sa Negros region, umabot na sa 36

1
0

NEGROS ISLAND REGION, Philippines – Umabot na sa 36 ang nasawi dahil sa dengue sa Negros Island Region, kahit bumaba ng 18 porsiyento ang kabuuang kaso ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Martes, Oktubre 20.

Nakapagtala ang rehiyon ng 6,406 kaso mula Enero 1 hanggang Oktubre 10, mas mababa kumpara sa 7,859 kaso sa kaparehong panahon noong 2025.

Ayon sa DOH, mga batang nasa edad-pampaaralan at mga kabataan ang pinakamaraming tinamaan ng sakit at kabilang din sa may pinakamataas na bilang ng nasawi.

Mas marami ang lalaking nagkasakit, na may 3,355 kaso o 52 porsiyento, kumpara sa 3,051 kaso o 48 porsiyento sa mga babae.

Sa tala ng DOH, pinakamataas ang bilang ng kaso sa mga edad 11 hanggang 15, na may 1,703 kaso, kasunod ang mga batang edad 6 hanggang 10 na may 1,290 kaso o 20 porsiyento, at edad 1 hanggang 5 na may 921 kaso o 14 porsiyento.

Nakapagtala rin ng 900 kaso o 14 porsiyento sa mga edad 21 hanggang 30, at 798 kaso o 12 porsiyento sa mga edad 16 hanggang 20.

Sa iba pang pangkat ng edad, may 467 kaso sa edad 31 hanggang 40, 397 sa edad 60 pataas, 226 sa edad 41 hanggang 50, 206 sa edad 51 hanggang 59, at 128 kaso sa mga sanggol na wala pang isang taon.

Dahil sa 36 na nasawi, nasa 0.56 porsiyento ang case fatality rate ng dengue sa rehiyon.

Pinakamaraming namatay sa mga batang edad 6 hanggang 10, na may 11 kaso. Sinundan ito ng edad 21 hanggang 30 na may anim na nasawi at edad 60 pataas na may lima.

May tig-tatlong nasawi sa mga edad 1 hanggang 5, 11 hanggang 15, at 31 hanggang 40. Samantala, dalawa ang nasawi sa bawat pangkat na edad 16 hanggang 20 at 41 hanggang 50, habang isa naman sa edad 51 hanggang 60. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here