Home METRO 9 sugatan sa sunog sa Buglasan Festival

9 sugatan sa sunog sa Buglasan Festival

1
0

DUMAGUETE CITY, Philippines – Siyam na katao ang nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa Canlaon Booth habang ipinagdiriwang ang Buglasan Festival noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Buglasan Festival Committee, nagsimula ang sunog bandang 9:04 p.m. Agad na rumesponde ang mga bumbero at naapula ito pagsapit ng 9:15 p.m.

Batay sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), aksidenteng nangyari ang sunog at pinaniniwalaang dulot ng problema sa kuryente.

Nagtamo ng mga gasgas at minor burns ang siyam na biktima. Dinala sila sa Negros Oriental Provincial Hospital at Silliman University Medical Center para sa agarang lunas. Nasa stable na kondisyon na ang mga ito.

Iniutos naman ni Negros Oriental Governor Manuel “Chaco” Sagarbarria sa Buglasan Safety and Security Committee, sa pangunguna ng BFP, na muling inspeksiyunin agad ang lahat ng booth sa festival upang maiwasan ang kaparehong insidente.

Tiniyak din ng pamahalaang panlalawigan sa publiko, mga bisita at kalahok na ipinatutupad ang mahigpit na mga protocol para sa kaligtasan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here