Home METRO 10 employer pinatawan ng Notice of Violation sa ‘di pagbabayad ng kontribusyon...

10 employer pinatawan ng Notice of Violation sa ‘di pagbabayad ng kontribusyon sa SSS

1
0

MANILA, Philippines – Umabot sa sampung Employer  ang pinadalhan ng notice of violation ng  dahil sa hindi pagbabayad ng contribution sa kanilang mga empleyado sa Social Security System (SSS)

Ayon kay SSS Senior Vice President for NCR Operation Group Benjamin Dolindo, sa ilalim ng Security Act of 2018 papanagutin ang mga Employer na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon.

Sinabi ni Dolindo na umabot sa P3.9 million ang kabuuang pagkakautang ng sampung employer, kabilang ang P 2.8 million sa hindi nabayarang kontribusyon at mahigt sa 1.1million piso naman sa mga penalties.

Aabot naman sa 160 na mga empleyado ang apektado ng hindi pagre-remit ng kontribusyon mula sa kanilang Employer.

Sa kabuuan walong Employer ang hindi nag remit ng buwanang kontribusyon habang dalawa naman ang hindi nagparehistro sa SSS.

Kabilang sa mga pinuntahan ng SSS Taguig Branch ang mga negosyong restaurant, Laboratoryo, convenient store, Barber shop, pagawaan ng noodles, panaderya at retail store, sa mga Brgy. ng  Bambang, Ususan, Tuktukan, at Bonifacio Global City , pawang sa Taguig City. (Dave Medina)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here