Home METRO 2 utas, 1 sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Bukidnon

2 utas, 1 sugatan sa salpukan ng motorsiklo sa Bukidnon

1
0

BUKIDNON, Philippines – Dalawang lalaki ang nasawi habang sugatan ang isang babae matapos magbanggaan nang harapan ang dalawang motorsiklo sa national highway sa Barangay Puntian, madaling araw nitong Huwebes.

Kinilala ni PMSgt. Roldan Perez Jr., traffic investigator ng Quezon Municipal Police Station, ang mga nasawi sa alyas na “Elmer,” 51, residente ng Baliok, Talomo, Davao City, at “Daren,” 29, ng Barangay Lumbayao, Valencia City, Bukidnon.

Sugatan naman si Josephine, 43, live-in partner ni Elmer, at kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa Maramag, Bukidnon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang aksidente dakong pagsikat ng araw sa Purok 6 nang biglang lumihis sa kabilang lane ang motorsiklong minamaneho ni Daren habang mabilis ang takbo nito.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang mga sakay ng dalawang motorsiklo. Kapwa nagtamo ng malubhang pinsala ang mga driver at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Dinala na sa Quezon Municipal Police Station ang dalawang motorsiklo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here