Home METRO Pogi, senior citizen, ‘beks’ inaresto sa Bulacan 

Pogi, senior citizen, ‘beks’ inaresto sa Bulacan 

3
0

BULACAN, Philippines – Isang lalaki ang inaresto nang mahulihan ng P20,400.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue nitong Oktubre 22.

Sa ulat ni PLTCOL Gilbert Diaz, hepe ng Bocaue police station, kinilala ang suspek na si alyas “Pogi”.

Ayon sa ulat, nakumpiska sa operasyon ang nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P20, 400.

Samantala, huli rin ng mga awtoridad sa kaparehong operasyon nitong gabi ng Oktubre 21 sina alyas “Chie”, 67,  at alyas “Beks”, 34 ng Brgy. Sta. Cruz 5, San Jose Del Monte matapos magbenta at masamsaman ng kabuuang P54,400.00 halaga ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na humihimas ng rehas sa istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here