Pormal nang pumasok sa Philippine Stock Exchange (PSE) ang Mynt, ang parent company ng GCash, nitong Miyerkules, Oktubre 20 — isang milestone para sa digital finance industry at capital markets ng bansa.
Sa ilalim ng ticker symbol na GCASH, nagbukas ang kompanya sa presyong P6.60 per share, katumbas ng humigit-kumulang P442 bilyon na market capitalization.
Nakalap sa initial public offering (IPO) ang humigit-kumulang P53 bilyon mula sa pagbebenta ng 8.03 bilyong shares sa P6.60 bawat isa. Kung maisama ang overallotment option na 1.20 bilyong secondary shares, maaaring umabot sa P60.9 bilyon ang kabuuang alok — posibleng pinakamalaking IPO sa kasaysayan ng Pilipinas.







