Home NATIONWIDE ‎GCash parent Mynt, nagsimula nang mag-trade sa PSE ‎

‎GCash parent Mynt, nagsimula nang mag-trade sa PSE ‎

2
0

‎Pormal nang pumasok sa Philippine Stock Exchange (PSE) ang Mynt, ang parent company ng GCash, nitong Miyerkules, Oktubre 20 — isang milestone para sa digital finance industry at capital markets ng bansa.

‎Sa ilalim ng ticker symbol na GCASH, nagbukas ang kompanya sa presyong P6.60 per share, katumbas ng humigit-kumulang P442 bilyon na market capitalization.

‎Nakalap sa initial public offering (IPO) ang humigit-kumulang P53 bilyon mula sa pagbebenta ng 8.03 bilyong shares sa P6.60 bawat isa. Kung maisama ang overallotment option na 1.20 bilyong secondary shares, maaaring umabot sa P60.9 bilyon ang kabuuang alok — posibleng pinakamalaking IPO sa kasaysayan ng Pilipinas.

‎Dumalo sa ceremonial opening bell sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, Ayala President at CEO Cezar Consing, Mynt Chairman Ernest Cu, Mynt President at CEO Martha Sazon, at PSE President at CEO Ramon S. Monzon.

‎Para sa Mynt, ang pagpasok sa PSE ay paglipat mula sa pagiging pribadong fintech tungo sa pagiging public company, na nagbibigay pagkakataon sa investors na maging bahagi ng kompanya sa likod ng isa sa pinakamalawak na ginagamit na financial app sa bansa.

‎

‎“Today marks a defining milestone for Mynt and the beginning of our next chapter as a public company,” pahayag ni Sazon. 

‎Aniya, napalago ng Mynt ang GCash bilang isang scalable at profitable business sa pamamagitan ng pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangang pinansyal ng mga Pilipino.‎

‎Sinabi naman ni Cu na sa loob ng 22 taon, lumago ang GCash mula sa SMS-based money transfer service tungo sa isang major digital financial platform, patunay na kayang makamit ng Philippine tech companies ang malakihang paglago sa pamamagitan ng maayos na governance at long-term strategy. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here