Home NATIONWIDE Tinio: Marcos dapat managot sa mga budget na labag sa konstitusyon

Tinio: Marcos dapat managot sa mga budget na labag sa konstitusyon

1
0

MANILA, Philippines – Naniniwala si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio na dapat managot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapatupad ng mga pambansang budget para sa 2024, 2025 at 2026 matapos ideklarang labag sa Konstitusyon ng Korte Suprema (SC) ang ilang probisyon ng mga ito.

Sa desisyon ng SC, nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Kongreso nang dagdagan nito ang ilang alokasyon sa pambansang budget lampas sa inirekomenda ng Pangulo.

Kabilang sa mga idineklarang unconstitutional ang pagdagdag ng ₱449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations sa 2024 General Appropriations Act (GAA), ang ₱17.992 bilyong dagdag sa Special Road Fund sa 2025 GAA, at ang Special Provisions 1(a) at (b) sa 2026 GAA.

Tumugon si Tinio sa pahayag ni Palace press officer Claire Castro na walang nilabag na batas si Marcos sa paglagda sa mga budget at hindi dapat managot ang Pangulo sa pagsunod sa umiiral na batas.

Nilinaw naman ng SC na hindi awtomatikong labag sa Konstitusyon ang unprogrammed appropriations (UA), dahil maaari itong gamitin kapag natugunan ang mga itinakdang kondisyon.

Ayon kay Castro, sinunod lamang ni Marcos ang patakarang pinapayagan ng Kongreso mula 2015, kung saan maaaring maglabas ng pondo kapag lumampas sa target ang koleksiyon mula sa hindi bababa sa isang tinukoy na non-tax revenue.

Gayunman, iginiit ni Tinio na may kapangyarihan ang Pangulo na lumagda o mag-veto sa mga panukalang budget, kabilang ang line-item veto upang masuri nang mabuti ang bawat alokasyon.

“It is clear that President Marcos Jr. failed because the two budget bills that he signed were declared unconstitutional,” ani Tinio sa isang online briefing.

“And unconstitutional provisions continue to prevail in 2026 in relation to unprogrammed appropriations and prohibited lump sum,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Tinio na direktang responsable ang Pangulo sa desisyon ng SC dahil kailangang aprubahan nito ang bawat paglalabas ng UA.

“The president definitely must face accountability for implementing the unconstitutional budgets of 2024 and 2025 that are directly associated with flood control corruption,” aniya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here