Home HOME BANNER STORY Kumpanyang iniuugnay kay VP Sara, Mans Carpio iimbestigahan ng NBI

Kumpanyang iniuugnay kay VP Sara, Mans Carpio iimbestigahan ng NBI

4
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kumpanyang Westgate88 na umano’y may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, bilang bahagi ng imbestigasyon sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, medyo bagong kumpanya ang Westgate88 na may ilang ari-arian sa lupa. Sinabi rin niyang umano’y ipinangalan ang kumpanya sa mga kasamahan ng Duterte-Carpio.

Binanggit ni Matibag ang dalawang abogado na umano’y may kaugnayan sa Duterte-Carpio Law Offices at sa Westgate88, kung saan ang isa ay nagsisilbing presidente ng kumpanya.

“We saw their involvement in the properties that are reflected in the SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth),” ani Matibag.

Sinabi rin ng NBI chief na may isa pang indibidwal na umano’y may joint bank account kay Carpio, batay sa pagsusuri ng mga rekord ng bangko sa tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Magpapadala ang NBI ng mga subpoena sa mga indibidwal na ito upang matukoy ang kanilang posibleng partisipasyon sa Westgate88. Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa Bureau of Immigration upang alamin ang travel status ng mga taong posibleng konektado sa imbestigasyon.

Noong Oktubre 13, iniakyat na ng NBI sa Office of the Ombudsman ang mga natuklasan nito hinggil sa umano’y pagkakaiba sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here