Home METRO Mister na inireklamo sa sustento, pinagbabaril si misis

Mister na inireklamo sa sustento, pinagbabaril si misis

3
0

ANTIPOLO CITY – Patay ang isang ginang matapos umano siyang pagbabarilin ng kanyang mister, na miyembro ng Provincial Security Group ng Rizal Provincial Government, ilang sandali matapos silang dumalo sa pagdinig kaugnay ng sustento sa kanilang mga anak.

Nangyari ang insidente nitong Huwebes ng tanghali sa Sumulong Memorial Circle Road malapit sa kapitolyo ng Rizal.

Makikita sa video footage na naglalakad ang biktima sa bangketa nang lapitan at pagbabarilin siya ng suspek.

Isinugod sa ospital ang ginang ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa kapatid ng biktima, hiwalay na ang mag-asawa at galing sila sa pagdinig sa kapitolyo upang pag-usapan ang hinihinging sustento para sa kanilang mga anak.

Nabanggit umano ng biktima na ipatatanggal niya sa trabaho ang suspek kung hindi ito magbibigay ng sustento.

Matapos ang pagdinig, sinundan umano ng suspek ang biktima bago naganap ang pamamaril.

Naglakad palayo ang suspek matapos ang insidente ngunit kalaunan ay naaresto ng mga awtoridad.

Narekober din ang baril na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Nakakulong na sa himpilan ng pulisya ang suspek at tumanggi itong magbigay ng pahayag.

Patuloy ang imbestigasyon habang inihahanda ng mga awtoridad ang kaukulang kaso laban sa kanya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here