Home METRO Baril, pocket knife nakuha sa bag ng Grade 3 pupil sa Misamis...

Baril, pocket knife nakuha sa bag ng Grade 3 pupil sa Misamis Oriental

1
0

MISAMIS ORIENTAL – Isang .22-caliber na baril na may limang bala at pocket knife ang nakuha sa bag ng isang Grade 3 pupil sa isang pampublikong paaralan sa Opol, Misamis Oriental.

Nadiskubre ang mga armas dakong alas-1 ng hapon nitong Miyerkoles matapos mahulog umano mula sa bag ng bata ang pocket knife.

Ayon sa school security personnel, sinuri ang bag ng estudyante at dito nakita ang baril na may kasamang limang bala.

Sinabi umano ng Grade 3 pupil na inilagay ng kanyang nakatatandang kapatid, na Grade 4 pupil, ang baril sa kanyang bag.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang pahayag at kung sino ang tunay na may-ari ng baril.

Hinihinala ring naipasok ang bag sa pamamagitan ng bakod kaya hindi ito dumaan sa karaniwang inspeksyon sa entrance ng paaralan.

Ipinaubaya naman sa mga social worker ang bata para sa kaukulang intervention habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Pinahigpit na rin ng pamunuan ng paaralan ang seguridad kasunod ng insidente upang maiwasang makapasok sa campus ang mga armas at iba pang peligrosong gamit.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung paano nakuha ng mga menor de edad ang baril at kung may pananagutan ang sinumang nakatatanda sa pagkakaroon nito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here