Home METRO Mister na tulak ng P2.4M tsongki, tiklo

Mister na tulak ng P2.4M tsongki, tiklo

3
0

BENGUET, Philippines – Umaabot sa P2.4M halaga ng pinaniwalaang pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng alagad ng batas sa isang 22 anyos na mister sa isinagawang drug bust operation sa Sitio Baloc, Barangay Poblacion, Kibungan, Benguet.

Dakong alas-10:30 kagabi at natapos alas-1:27 ng madaling-araw ngayong Biyernes, Oktubre 23, 2026 sa isinagawang inventory matapos mahuli ang tinaguriang High Value Target drug personality.

Nasamsam ang 20 balot o tubular na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, gayundin ang marked money, mga pekeng perang ginamit sa operasyon, at isang cellphone.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang operasyon, katuwang ang iba pang yunit ng PDEA, Benguet Provincial Drug Enforcement Unit, at Kibungan Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here