Home NATIONWIDE Gatchalian, Lacson pumalag sa planong pagbawi ng Kamara sa 2027 GAB: ‘Di...

Gatchalian, Lacson pumalag sa planong pagbawi ng Kamara sa 2027 GAB: ‘Di kailangan’

1
0

MANILA, Philippines – Tila pinalagan nina Senate President Sherwin Gatchalian at Sen. Panfilo Lacson ang planong pagbawi sa 2027 General Appropriations Bill (GAB) na dinidinig ngayon sa Senado matapos ideneklara ng Supreme Court na unconstitutional ang ilang probisyon sa nakaraang badyet.

Sa pahayag, nagkaisa sina Gatchalian at Lacson sa pagsasabing hindi na kailangan pang bawiin ng Mababang Kapulungan ang budget bill upang retokihin alinsunod sa desisyon ng Supreme Court.

Sinabi ni Gatchalian na hindi kinakailangan ang pag-recall dahil papasok na ang Senado sa consolidation ng budget kaya maaari na nilang itama ito mismo.

Aniya, hindi dapat maantala ang proseso ng budget at sa Senado na nila gagawin ang pagwawasto.

Batay aniya sa desisyon ng Korte Suprema, kaunti lamang sa 2026 budget ang naapektuhan kaya hindi rin niya nakikita ang malaking correction na gagawin sa 2027.

Nauna nang nanawagan ang Makabayan bloc sa Kamara na bawiin ang inaprubahang national budget dahil may  ilang probisyon na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema na makikita rin sa panukalang 2027 budget.

Tugon naman ni Lacson, dapat iparating ng mga mambabatas ang kanilang alalahanin sa kanilang mga kasamahan sa Kamara dahil sila rin magiging kasapi ng bicameral conference committee na magre-reconcile ng magkaibang bersyon ng House at Senado matapos maipasa ng Mataas na Kapulungan ang sarili nitong bersyon.

Nagbabala rin si Lacson na ang pagbawi sa inaprubahan nang House GAB ay maaaring humantong sa reenacted budget kung saan walang bagong programa at proyekto ang naka-itemize para sa 2027.

Aniya, magrereenact tayo na mas masama at hindi iyon ang solusyon.

Ang solusyon aniya, kailangan ang masusing pagbusisi ng Senado at pagtanggal sa lahat ng taba sa ipinadalang GAB ng House.

Ipinaliwanag ni Lacson na sa ilalim ng reenacted budget ay magiging lumpsum ang lahat ng alokasyon at walang detalyadong alokasyon.

Aniya, lahat ng 2026 ay naka-float at walang itemized na provision kaya mas masama ito. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here