Home METRO 4 arestado sa P181K tobats sa Cavite

4 arestado sa P181K tobats sa Cavite

13
0

CAVITE, Philippines – Apat na hinihinalang tulak ng droga ang naaresto matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱181,628 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Mambog 2, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Bana,” “Andy,” “Paulo” at “Nica,” na umano’y kabilang sa mga street-level drug personality sa lungsod.

Isinagawa ang operasyon dakong alas-4:30 ng hapon ng Drug Enforcement Team ng Bacoor City Component Police Station, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Pinangunahan ito ni PLTCOL Alexie A. Desamito, hepe ng pulisya sa lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 26.71 gramo at standard drug price na ₱181,628.

Narekober din ang isang tunay na ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, walong piraso ng boodle money, isang coin pouch, isang Android mobile phone at isang Yamaha Aerox motorcycle.

Isasailalim sa pagsusuri ng Cavite Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga bago ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa kustodiya na ng Bacoor Police ang apat na naarestong suspek. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here