CAVITE, Philippines – Nasamsam ang humigit-kumulang ₱1.02 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang babaeng suspek na kabilang umano sa High Value Individual (HVI) drug list sa buy-bust operation sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang suspek sa alyas na Ellen, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon bandang alas-7:40 ng gabi ng mga tauhan ng RPDEU 4A, katuwang ang PIU Cavite PPO at Dasmariñas Component City Police Station.
Nakuha mula sa suspek ang humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱1,020,000, buy-bust money, isang itim na sling bag at cellphone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Kasalukuyan siyang nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya. MARGIE BAUTISTA