Home METRO Estudyanteng tulak ng P68K tsongki, arestado

Estudyanteng tulak ng P68K tsongki, arestado

1
0

SANTIAGO CITY, Philippines – Arestado ang isang estudyante ng halos mahigit P68K pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang drug buybust operation ng Philippines Drugs Enforcement Agency Region 02 o PDEA RO2, Santiago City Police Station 4 (SCPO PS4) at SCPO–City Intelligence Unit (SCPO-CIU) sa Barangay Batal, Santiago City.

Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng PDEA R02 sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ay naaresto si alyas “CJ”, 21 anyos na Silauan Sur, Echague, Isabela.

Seized during the operation were approximately
Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang 566.8 grams na pinaniwalaan pinatuyong dahon ng marijuana na may estimated Standard Drug Price (SDP) ₱68,000.00.

Maliban sa pinatuyong dahon ng marijuana ay nasamsam ang isang tablet, motorsiklo na walang kaukulang plaka at buybust money.

Nahaharap ang nasabing estudyante na may kinalaman sa
violation of Sections 5 and 11, Article II of Republic Act No. 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here